
Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ni Jake Ejercito sa gitna ng isyu ng hiwalayan ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann at fiance nitong si Philmar Alipayo.
Sa February 7, 2025 post niya, sinulat ni Jake ang mga salitang, "Wala akong feelings about it," kalakip ang isang peach emoji.
Iniugnay naman ito ng netizens sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng magkasintahang Andi at Philmar.
Dahil dito, marami ang naniniwala na sina Andi at Jake ang itinadhana para sa isa't isa. May 13 taong gulang silang anak na babae na si Ellie.
Sabi ng isang commenter sa post ni Jake, "Uyy sabe n para talaga kayo sa isa't isa .."
Komento naman ng isang netizen, hindi dapat pinipwersa ang ganitong personal na bagay. "Everything takes time! Wag natin madaliin. Kahit ako bet ko sila maging couple ulit, pero we can't force it, especially them. Only time and God can tell."
Samantala, kinlaro naman ni Jake na hindi tungkol kina Andi at Philmar ang kanyang post kundi sa isang headline ng isang local newspaper tungkol sa impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Paglilinaw ni Jake, "Stop putting a spin into the post. Dahil dito lang yan."
Mensahe pa ng aktor sa mga nang-iintriga, "God save the tsismosas."
Noong Biyernes, February 7, nag-post si Andi sa kanyang Instagram Story ng mga cryptic message. Sulat niya sa isa niyang Story, "I just found out it's the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep's clothing!"
Sa sumunod niyang Story, nilinaw naman ni Andi na hindi ito tungkol sa pangangaliwa ng partner niyang si Philmar kundi sa isang kaibigan na aniya's nakitaan niya ng red flags.
Kinuwestiyon din ni Andi ang intensyon ng nasabing kaibigan dahil aminado siyang nasaktan siya matapos magpa-matching tattoo ito at si Philmar.
Nagsalita naman si Philmar hinggil sa breakup rumors nila ni Andi. Sulat niya sa isang Instagram Story, "Whatever you read is true. No more hiding (lies) because it only makes things harder."
In-acknowledge rin ni Philmar ang mga kritisismong natatanggap niya mula sa netizens, "You all can call me a cheater and ugly now. But thank you to the people who truly know me."
May dalawang anak sina Andi at Philmar.
Related Gallery: Andi Eigenmann and Philmar Alipayo respond to breakup speculations