GMA Logo Max Collins Beauty Gonzalez
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Gloria meets Elize

By Dianne Mariano
Published June 22, 2023 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins Beauty Gonzalez


Nakilala na ni Gloria ang isa sa mga babaeng iniligtas ni Tolome na si Elize Riego De Dios.

Sa ikatlong episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, nagkakilala na sina Gary (Kelvin Miranda) at Sheena (Kate Valdez) matapos tulungan ng una ang dalaga mula sa isang magnanakaw.

Nang makausap ni Major Bartolome (Bong Revilla Jr.) si Dodong (Jeric Raval), sinabi ng huli na nagkamali ang una na arestuhin siya dahil lalo lamang nito pinalakas ang grupong “Brainwash” dahil wala na silang kalaban. Dahil dito, natuklasan nina Tolome at ng kapulisan na mayroon pang mas mataas na lider ng sindikato na hindi pa nila nahuhuli.

Nang dahil sa maling impormasyon, nagkamali sina Bartolome, Style (Nino Muhlach), at Pretty (Angel Leighton) sa ginawa nilang operasyon sa isang resthouse, na pagmamay-ari ng mga Dehado, ngunit pinangako ng una na hindi na ito mauulit.

Samantala, binisita ni Elize (Max Collins) si Tolome sa police station upang makibalita sa kanyang kaso at niyakap pa ng una ang huli bilang pasasalamat ngunit agad silang nakita ni Gloria (Beauty Gonzalez).

Nagkaroon naman ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Tolome at Gloria dahil pinaghihinalaan ng huli na nakikipagrelasyon ito kay Elize ngunit nagkaayos din ang mag-asawa.

Muling nagkrus ang landas nina Gloria at Elize sa police station at hindi naging maganda ang pakikitungo ng una rito. Matapos tulungan ni Elize ang isang lalaki upang magbigyan ito ng trabaho, humingi ng tawad si Gloria dahil sa naging pakikitungo niya sa una.

Niligtas naman ni Gloria ang buhay ni Elize mula sa mga hitman na nagtangka sa buhay nito at labis ang pasasalamat ng huli sa asawa ni Tolome.

Balikan ang mga eksena sa nakaraang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis dito.

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Maling boss ang nahuli ni Major! (Episode 3)

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Pogi points para kay Gary! (Episode 3)

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Tolome, caught in the action ni Gloria?! (Episode 3)

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Iniligtas si Elize! (Episode 3)

Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA PULIS PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.