GMA Logo Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez at WMNP ratings art card
What's on TV

'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2,' wagi sa ratings!

By Dianne Mariano
Published February 15, 2024 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez at WMNP ratings art card


Patuloy na tinututukan ng mga manonood ang season two ng Kapuso action-comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Mas level up ang aksyon at katatawanan sa second season ng Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Patuloy din itong tinututukan ng mga manonood dahil sa ganda ng kuwento nito. Katunayan, umani ng mataas na ratings ang ikalawang episode ng seryeng pinagbibidahan nina Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez.

Noong Linggo (February 11), nakapagtala ng 9.9 percent ang recent episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2, base sa NUTAM People Ratings.

Sa ikalawang episode ng action-comedy series, tila nagkabaliktad ang mundo ng mag-asawang Tolome (Bong Revilla Jr.) at Gloria (Beauty Gonzalez) matapos masuspinde ang una mula sa kanyang trabaho at nagbalik-serbisyo ang huli bilang pulis.

Bukod dito, ipinakilala ni Col. Gener Alberto (Jestoni Alarcon) kina Tolome at Gloria si Captain Ace Catacutan (Ejay Falcon), isang undercover na pulis na nag-infiltrate sa isang gang.

Samantala, labis na nagulat ang mag-asawang Tolome at Gloria nang makitang buhay pa ang kriminal na si Juancho Dehado (ER Ejercito), na nagpaulan ng mga bala kasama ang mga kasabwat nito.

Balikan ang nakaraang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 sa video sa ibaba.

Subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA.