GMA Logo Ramon Bong Revilla Jr Jeric Raval
What's on TV

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Tolome captures and arrests Dodong

By Dianne Mariano
Published June 15, 2023 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPA, easterlies to bring cloudy skies, scattered rain over Luzon — PAGASA
Dangerous drugs worth almost P700M destroyed in Cebu City
Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ramon Bong Revilla Jr Jeric Raval


Matagumpay na nahuli at naaresto ni Major Bartolome Reynaldo (Ramon “Bong” Revilla Jr.) ang isa pang sindikato na si Dodong (Jeric Raval).

Sa ikalawang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, hinabol nina Bartolome (Ramon “Bong” Revilla Jr.), Style (Niño Muhlach), at Pretty (Angel Leighton) ang tatlong magnanakaw ng mga dyamante ngunit dalawa lamang sa mga ito ang kanilang nahuli at nakatakas ang lider na si Dodong (Jeric Raval).

Natuklasan naman ni Tolome na nabu-bully si Gary (Kelvin Miranda), ang kapatid ng misis niyang si Gloria (Beauty Gonzalez), sa paaralan kaya pinayuhan niya ang binata na okay lamang na ipagtanggol ang sarili. Samantala, tila na-love at first sight naman si Gary nang makita ang isang magandang dalaga sa loob ng kotse.

Nakakuha naman ng impormasyon si Tolome tungkol sa mga nawawalang babae kaya nagtungo ang una at ang kanyang team sa pagawaan ng yelo, kung saan nandoon sina Mrs. Dehado at Dodong na nakikipag-negosasyon.

Nahanap at nailigtas nina Tolome ang mga nawawalang babae ngunit namatay si Mrs. Dehado sa crossfire at nakatakas muli si Dodong. Isa sa mga babaeng na-rescue ay si Elize (Max Collins).

Samantala, binalik ng batang nagngangalang Noel ang ninakaw niyang bike sa anak nina Tolome at Gloria na si Kiko (Raphael Landicho). Nalaman din ng pamilya ni Tolome na nagmula sa mahirap na pamilya si Noel kaya nagawa nitong magnakaw.

Hinatid naman ni Tolome si Noel papunta sa bahay nito nang makita niya na si Dodong at ang grupo nito ang mga nangha-harass sa ama ng bata. Muling nagtuos sina Tolome at Dodong ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na hinayaan ng una na makatakas ang huli at matagumpay niya itong naaresto.

Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.

Balikan ang mga eksena sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis dito.

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Gary, na-love at first tanaw! (Episode 2) Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Batang magnanakaw ng bike, nahuli na! (Episode 2) Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Tolome, mailigtas kaya ang mga nawawalang babae? (Episode 2) Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Tolome vs. Dodong, ang muling pagtutuos! (Episode 2) SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.