
Sa unang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, nakalaban ni Major Bartolome Reynaldo, o Tolome (Bong Revilla Jr.), ang mga sindikato. Habang nasa bingit ng kamatayan si Tolome ay biglang tumawag ang kanyang misis na si Gloria (Beauty Gonzalez) ngunit isang babaeng miyembro ng sindikato ang sumagot nito.
Dahil sa pag-aakalang may affair ang kanyang mister, sinigaw ni Gloria ang pangalan ni Tolome kaya muling lumaban ang huli sa mga kriminal. Hinabol ni Tolome ang lider ng sindikato na si Juancho “Kamao” Dehado (ER Ejercito) pero nakatakas ito.
Nakakilala naman ni Major Bartolome ang bagong trainee na si Patrolwoman Pretty Competente (Angel Leighton) na kailangan niyang i-train. Hindi nasabi ni Tolome sa kanyang asawa na babae ang bago nilang trainee dahil naisip ni Style (Nino Muhlach) na baka magalit ito.
Mayroon namang na-trace si Pretty tungkol sa asawa ni Juancho kaya nagsagawa ang una at si Tolome ng undercover operation, kung saan sila'y nag-disguise bilang mag-dyowa para manmanan si Mrs. Dehado sa coffee shop.
Matinding galit ang naramdaman ni Gloria matapos makita na mayroong ibang babaeng kasama si Tolome sa cafe ngunit sinabi ng huli na ang kasama niya ay ang bagong trainee na si Pretty.
Ipinaliwanag din ni Tolome kay Gloria na ideya ni Style na itago sa kanya na babae ang bago nilang trainee ngunit galit pa rin ang misis niya.
Tumawag naman si Pretty kay Tolome dahil nahanap nila ni Style ang kinaroroonan ni Juancho. Matagumpay na nahuli at inaresto ni Tolome at ng kanyang team si Juancho ngunit tila hindi pa rin nauubos ang kalaban niya.
Pag-uwi ni Tolome, naayos na nila ni Gloria ang kanilang hindi pagkakaunawaan at nais magkaroon ng isa pang anak ngunit biglang pumasok si Tiya Lucing (Carmi Martin) sa kanilang kwarto para manood ng telebisyon.
Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis dito.
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Gloria, may muntik nang maputulan (Episode 1)
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Huli ka, Tolome! (Episode 1)
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Tiya Lucing, ang delubyong nagkatawang tao! (Episode 1)
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Pretty Competente, Tolome's new trainee! (Episode 1)
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Hindi pa tapos ang laban Tolome! (Episode 1)
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.