GMA Logo Bong Revilla Jr Bernard Palanca
What's on TV

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Tolome, nakaharap si Balat!

Published July 6, 2023 8:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Bong Revilla Jr Bernard Palanca


Mahuli kaya ni Major Bartolome Reynaldo ang "person of interest" na si Balat?

Sa ikalimang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, nakaligtas si Tolome (Bong Revilla Jr.) mula sa mga armadong lalaki. Nabaril ni Tolome ang ilan sa mga ito ngunit mayroong isang nakatakas.

Nagtungo naman sina Tolome, Style (Nino Muhlach), at Pretty (Angel Leighton) sa isang warehouse upang manmanan ang person of interest na si Balat. Sinubukan ni Balat na tumakas mula kina Tolome, Style, at Pretty ngunit wala itong laban sa tatlong pulis.

Labis na galit ang naramdaman ni Elize (Max Collins) matapos malaman na ang kanyang fiancé na si David ay mayroon palang asawa sa ibang bansa. Tuluyan namang pinaalis nina Gloria (Beauty Gonzales) at Candida (Maey Bautista) si David dahil sa ginawa nitong panloloko kay Elize.

Nagpasalamat naman si Elize kina Gloria, Candida, at Tiya Lucing (Carmi Martin) dahil sa pagiging mabuting kaibigan ng mga ito.

Nakalabas si Balat mula sa presinto dahil nakapagpiyansa siya ngunit wala pa ring tiwala sina Tolome na inosente ito. Napag-alaman naman nina Tolome, Style, at Pretty na mayroong logo ng Brainwash Inc. ang balisong na nakuha nila mula kay Balat.

Muling pumunta ang tatlong pulis sa warehouse at nakita na nandoon sina Balat at ang iba pa nitong kasamahan. Nagkaroon na naman ng labanan sa pagitan ng tatlong pulis at grupo ni Balat matapos makitang may mga baril na nakatago sa isang drum.

Sa huli, nakatakas si Balat ngunit nakita sa CCTV footage na nabaril ito nang kausapin ang isa sa mga kasamahan nito.

Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.

Balikan ang mga eksena sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis dito.

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Gary niyo, dumada-moves na! (Episode 5)

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Balat, walang takas sa Team Tolome! (Episode 5)

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Walang babaeng deserve maging kabit! (Episode 5)

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Elize, naiingit daw kay Gloria? (Episode 5)

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Hambog na smuggler, nakahanap ng katapat (Episode 5)

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA MATITINDI AT NAKATUTUWANG EKSENA SA PILOT EPISODE NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.