
Labas ang usaping pulitika sa relasyon ng Queen of All Media na si Kris Aquino at sa pamilya ni dating senador Jinggoy Estrada.
READ: Coffee or beer? Kris Aquino reaches out to Paolo Duterte after his post slamming EDSA
Matatandaan na noong 2014 sa panahong ng pamumuno ng kapatid ni Kris na si President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ay nakulong ang senador dahil sa mga kasong plunder at corruption
Patunay lamang na walang lamat ang relasyon ni Kris at pamilya Estrada ang birthday gift na ipinadala sa kaniya ng anak ni Jinggoy na si San Juan City Vice Mayor Janella “Jel” Estrada.
Heto ang mensahe ni Kris para sa inaanak na si Jel.
“And the birthday surprises continue arriving... this is super cute! Each bottle of personalized pink Kris candy is labeled w/ my signature logo. Thank you for the thoughtfulness, my inaanak San Juan Vice Mayor @jelejercitoestrada. ♥?♥?♥?”
Isa namang netizen ang nagtanong sa celebrity host kung kamusta ang samahan nila ni Jinggoy.
Diretsahang sinagot ito ng Queen of All Media na maayos sila ng kaniyang kumpare at pati na rin sa asawa ni Jinggoy na si Precy.