GMA Logo GMA Kapuso Foundation helps Cavite
What's Hot

Walong pampublikong ospital sa Cavite, binigyan ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz
Published June 24, 2020 10:52 AM PHT
Updated June 25, 2020 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos, pinag-iisipan ang extradition treaty sa Portugal para madakip si Zaldy Co —DILG
NCAA 101 kicks off 2026 with volleyball tournament
Dalagang NAKAAHON SA HIRAP, NALUBOG SA UTANG dahil gastador! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation helps Cavite


Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng protective supplies sa walong pampublikong ospital sa Cavite.

Dahil sa patuloy na laban sa COVID-19 ng bansa, patuloy pa rin ang pangangailangan ng mga ospital para sa mga gamit na magsisilbing proteksiyon mula sa sakit.

Kaya naman minabuti ng GMA Kapuso Foundation na maghatid ng protective supplies sa walong pampublikong ospital sa Cavite.

Kabilang dito ang Ospital ng Imus, Tanza Municipal Health Center, Cavite Naval Hospital, Kawit Kalayaan Hospital, General Trias Medicare Hospital, Naic Municipal Health Unit, Carsigma District Hospital, at Pagamutan ng Dasmariñas.

24,000 pares ng gloves, 5,760 piraso ng sabon, 1,600 sets ng personal protective equipment (PPE), 1,600 face shields, 1,600 bote ng 500 ml alcohol, at 800 packs ng Nissin Wafer ang naihatid sa mga ospital.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army.


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maaari ding bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.