Article Inside Page
Showbiz News
Single pa si Jak at hindi mo na kailangang magpa-impress para makuha ang puso niya.

Isa sa talentadong rising stars ng GMA si Jak Roberto.
Bukod sa pagho-host niya sa
Walang Tulugan with the Master Showman, napatawa at napakilig niya rin tayo sa
With a Smile noon.
Marami ang matutuwa na single si Jack, pero anong klaseng babae ng magpapatibok sa kanyang puso?
Nakakuwentuhan namin si Jak pagkatapos ng photo shoot para sa 18th anniversary ng
Walang Tulugan with the Master Showman. Sa ngayon daw ay hosting muna ang focus niya pero kung bibigyan siya ng pagkakataong piliin ang next role niya, gusto niyang maging parte ng isang drama series. Si Yassi Pressman daw ang gusto niyang maka-partner.
Dahil Kapuso month ngayon, kinumusta rin namin ang naging Valentine’s Day ni Jak. Ayon sa kanya, sa bahay lamang siya nag-celebrate kasama ang kanyang mommy at kapatid.
Wala raw siyang love life ngayon pero ang ideal date niya ay simple lang: Dinner at movie kasama ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso.
Ano-ano ang mga katangian na kanyang hinahanap sa isang “special someone”?
Sagot niya, “Hindi ko alam kasi sabi nila bigla mo na lang mararamdaman iyon kapag gusto mo ‘yung girl, pero kahit sino naman, gusto ko ‘yung mabait, hindi ka sasaktan and loyal.”
Paano naman niya ipinaparamdam sa isang tao na may gusto siya rito?
“Ayoko kasi ‘yung nanliligaw. Gusto ko ‘yung kinakaibigan ko lang siya tapos pinapakita ko sa kanya ‘yung pagiging mahalaga niya,” sagot niya.
Dagdag niya, “Be natural. Ipakita mo lang kung ano ka. Hindi mo na kailangang magpa-impress, kasi mas masaya sa feeling na gusto niya ‘yung totoong ikaw.”
Kasalukuyang napapanood si Jak Roberto sa
Walang Tulugan with the Master Showman. Para makatanggap ng updates, mag-log on sa
www.gmanetwork.com.
-Text by Samantha Portillo, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com