
Umabot na sa mahigit one million views ang nakakaaliw na eksena nina Herlene "Hipon Girl" Budol at Buboy Villar sa bagong GMA Telebabad series na False Positive na ipinalabas noong Huwebes, May 5.
Ginagampanan nila sa fantasy rom-com series ang folklore characters na sina Malakas at Maganda. Mga istatwa sila sa fountain na nabuhay.
Sa nasabing episode, nag-away ang dalawa dahil sa pagtupad ni Maganda sa wish ng buntis na si Yannie na maranasan din ng kanyang asawang si Edward ang mga hirap na pinagdadaanan nito bilang expectant mother. Si Yannie ay binibigyang-buhay ni Glaiza De Castro, samantalang si Xian Lim naman ang lumalabas bilang Edward.
Nagkaroon ng lover's quarrel ang mga karakter ng mga komedyanteng sina Herlene at Buboy, bagay na kinaaliwan ng mga manonood.
Sa kabuuan, may 1.7 million views na ito sa official Facebook page ng GMA Drama as of May 10.
Sa ngayon, may one million views na rin ang isa pang episode highlight clips kung saan mapapanood sina Herlene at Buboy. Ipinalabas ito noong Biyernes, May 6.
Dito naman ay ginamitan ng magical powers nina Malakas at Maganda para mawala ang ultrasound record ni Edward nagsasabing ito ay buntis.
Patuloy na subaybayan ang katatawanan sa False Positive mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 ng gabi sa GMA.
Mapapanood din ang full episode ng four-week special series sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Samantala, narito ang iba pang artistang napapanood at mapapanood sa GMA ngayong summer: