
Sa recent episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, nag-viral ang isang 2 taong gulang na batang babae matapos mapanood ng marami ang kaniyang video kung saan pinagsasabihan nito ang kaniyang ama na lasing.
Pinangaralan lang daw ni Kadisse ang ama nang makita itong lasing sa kanilang bahay.
Payo ni Kadisse sa ama, “Inom ka ng water ah? Huwag alak,ha? Kasi hindi masarap ‘yun eh. Mabaho ‘yun eh. Love you.”
Nilinaw ng ama ni Kadisse na si Vincent Noveno na hindi raw siya lasenggo, nakainom lang daw siya sa isang party noon. Daddy’s girl din daw talaga si Kadisse, kaya napakalambing sa ama.
Kuwento ni Vincent, matanong raw talaga na bata ang kanyang anak. “Kapag pumapasok ako, susunod sa akin ‘yun tapos umiiyak, sasabihin niya ‘Daddy, saan ka pupunta? Sama ako sa work.’ Sobrang matanong si Kadisse, kaya lahat ng galaw mo dapat may sagot ka talagang tama.”
Panoorin ang buong istorya ni Kadisse, ang “Aling Maliit” sa KMJS:
Video from GMA Public Affairs