What's Hot

WATCH: 20-anyos na tindera ng sampaguita, patok online dahil sa angking ganda

By Jansen Ramos
Published January 3, 2019 3:27 PM PHT
Updated January 3, 2019 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

FULL THIRD SET - Mapua Lady Cardinals vs JRU Lady Bombers | NCAA Season 101
Roxie Smith’s 30th Panagbenga experience a ‘full-circle moment’ 
UST hoopers reign supreme at 12-school, winner-take-all 3x3 showdown

Article Inside Page


Showbiz News



Natunton ng GMA News ang viral "sampaguita girl" na si Veronica Rodillas sa labas ng Quiapo Church sa Maynila.

Natunton ng GMA News ang viral "sampaguita girl" na si Veronica Rodillas sa labas ng Quiapo Church sa Maynila.

20-anyos na tindera
20-anyos na tindera

Napapalingon ang mga taong dumadaan dahil sa angking ganda ng 20-anyos na tindera ng sampaguita.

Aniya, hindi niya akalain na magiging sikat siya online.

"Nagulat po ako gawa nga po nung nag-viral po 'yung picture ko kasi 'di ba po ang kadalasang may nagpapa-picture ay sa mga artista o kaya 'yung mga taong may nagagawang mabuti," saad niya sa panayam ng 24 Oras.

Bata pa lang daw si Veronica ay kasa-kasama na siya ng kaniyang ina sa pagbebenta.

Kasalukuyang nag-aaral ang dalaga at nasa 4th year college na. Pero kapag wala raw siyang pasok sa eskuwela ay bumabalik siya sa pagtitinda ng sampaguita.

Ano kaya ang kaniyang gagawin kapag inalok siya na maging artista?

Sagot niya, "Ang hirap pong sagutin kasi nakasanayan ko na pong magtinda tsaka tumulong sa Mama ko. Huwag tayong makakalimot kung saan tayo nagmula."

Sa ngayon ay focus muna si Veronica sa pagtulong sa kaniyang ina at sa kaniyang pag-aaral. Aniya, pwede naman daw magpa-selfie sa kaniya pero sana raw ay pansinin din ang kaniyang paninda.

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras: