
New year means a new you. Sundan ang balik-alindog tips nina Andrea Torres, Ken Chan at Jak Roberto.
Kaliwa’t kanan ang mga handaan, kainan at piyesta nitong Pasko kaya marami ang naghahangad ng balik-alindog program para mabawasan ang nadagdag na timbang ngayong bagong taon.
Upang ma-achieve ang inyong New Year’s resolution, nagbahagi ng kanilang tips ang fit at sexy Kapuso stars natin para makatulong sa inyong layunin.
Believe it or not, ang magkaroon ng cheat day ang payo ni Abs ng Bayan na si Jak Roberto. Saad ng isa sa mga leading men ng upcoming Primetime series na Meant To Be, “Sa buong linggo na nag-diet ka, ‘yung Sunday mo, puwede ka mag-cheat day, basta huwag madalas. Wala naman kasing bawal, ‘yung bawal lang [ay] ‘yung masobrahan mo siya.”
WATCH: Abs ni Jak Roberto, pinagpiyestahan ng netizens sa social media!
Ang kumain naman ng tama ang ginagawa ni Meant To Be leading man na si Ken Chan, “Kumain lang tayo kung ano ang gusto natin pero alam n'yo ang limitasyon. Hindi mo kailangan kumain nang sobrang konti o kumain ng parang magkakasakit ka na dahil sa pagpigil mo sa pagkain. Huwag!”
Ang pag-ayaw naman sa pagkain ang inirekomenda ni Encantadia star Rochelle Pangilinan, “Siyempre, ‘pag busog na, huwag nang kumain. Tama na though masarap talaga magsabayan ng kainan so ‘pag busog na, enough na.”
WATCH: Ang mga workout ni ‘Encantadia’ star Rochelle Pangilinan
Ang paggawa ng diet plan na kayang sundin ang ibinahagi ni Alyas Robin Hood leading lady na si Andrea Torres. Aniya, “Kung magiging crash diet lang siya, mas magge-gain ka ng weight kasi kapag bigla kang nagtakaw isang araw, dire-diretso na ‘yun.”
WATCH: Andrea Torres, calendar girl ng isang beverage brand
Isa pa sa kanyang payo ang mag-exercise, “Kahit three times a week lang mag-gym. Hindi naman kailangan super pagod, okay lang na pahirapan mo ‘yung katawan mo pero huwag masyado para kaya mo siyang i-sustain.”
Ani rin ni Jak sa report ng Unang Hirit, “Sabi kasi nila 70% diet [at] 30% exercise. Siyempre, exercise kailangan ‘yan para mag-tone ‘yung muscles.”
Video courtesy of GMA News