What's Hot

WATCH: Actors guild, tutol sa pagsasapubliko ng mga pangalan ng artista sa drugs watchlist

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Nagsalita na ang pangulo ng organisasyon na si Rez Cortez

 


Tutol ang Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon na isapubliko ang listahan na naglalaman ng pangalan ng 54 celebrities na diumano’y nasa drugs watchlist ng PNP. Anila, sila na mismo ang tutugon sa problema ng kanilang mga kasamahan na nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Anang pangulo ng organisasyon na si Rez Cortez, “Kami na ang kikilos sa mga members namin, lalong-lalo na ‘yung nasa listahan. Kung kailangan ipa-drug test, kung kailangan ipa-rehab, tutulong kami. Kami na ang magpu-pulis ng aming ranks.” 

Ayon sa ulat ni Ivan Mayrina sa 24 Oras, isa ang showbiz sa mga tinututukan ng PNP sa kanilang kampanya laban sa droga sa ilalim ng Oplan Double Barrel Alpha. Ani NCRPO Chief P/Chieft Supt. Oscar Abayalde, hindi raw nila isasapubliko ang listahan ngunit ibinahagi niyang kabilang ang shabu, cocaine, at party drugs sa mga ginagamit ng mga celebrities sa kanilang listahan.

Sambit niya, “Continuous naman ang ating validation. Sabi ko nga, pwede itong mabawasan, pwede itong madagdagan. Kung siguro sila nagpa-drug test at ma-prove talaga nila na talagang hindi naman sila gumagamit ‘no, pweed namang ma-delist ‘yang mga ‘yan.”

Hindi pa rin daw  nakikita ng actors guild ang listahan ngunit patuloy na ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PDEA at Dangerous Drugs Board. Pakiusap nila, huwag daw sanang pag-initan ang kanilang industriya dahil sa kanilang trabaho at lifestyle. Mariin din nilang tinutulan ang pagsasapubliko ng listahan.

Pahayag ni Rez, “’Yung mga mayroong sagutin sa gobyerno, may sagutin sa taumbayan katulad ng mga pulis, ‘yung mga pulitikko, mga public servant, [hinalal sila ng bayan]. ‘Yun pong mga artistang ito ay mga user lang. Ito ay biktima, ito ay sakit na kailangan gamutin at nangangailangan ng tulong.”


MORE ON CELEBRITIES INVOLVED IN DRUGS:

IN PHOTOS: Mga celebs na nasangkot sa iligal na droga

WATCH: Mark Anthony Fernandez, nakakulong matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana

WATCH: Sabrina M, Krista Miller at Liaa Alelin Bolla, may panawagan sa mga kapwa gumagamit ng iligal na droga