
May masarap na salusalo na inihanda ang Idol sa Kusina nitong Linggo, September 10 para sa kanilang dalawang guwapong bisita.
Nakasama nina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza sina Addy Raj at Migo Adecer sa Sunday night feast. Napalaban man sa kusina sina Chef Boy at Chynna, sina Addy at Migo naman ay na-challenge ang kaalaman sa Tagalog.
Panoorin ang kanilang masayang paghahanda ng Omelette - 3 ways, Beef Bourguignon, Bacon and Clam Chowder, at ang Suji Ka Halwa ni Addy.
Samahan sina Chef Boy at Chynna tuwing Linggo sa Idol sa Kusina.