GMA Logo Ahron Villena in Ilaban Natin Yan
What's Hot

WATCH: Ahron Villena on his controversial scene in 'Ilaban Natin 'Yan': "Talagang all-out ang ipapakita ko dito"

By Racquel Quieta
Published March 4, 2020 6:43 PM PHT
Updated March 4, 2020 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News

Ahron Villena in Ilaban Natin Yan


Ano kaya ang role na gagampanan ni Ahron Villena sa 'Ilaban Natin 'Yan' ngayong Sabado? Alamin sa kanilang Barangay LS 97.1 FM guesting nina Sanya Lopez at Tina Paner. Watch HERE:

Kontrobersyal ang problemang tatalakayin sa 'Ilaban Natin 'Yan' ngayong Sabado. Ito'y tungkol sa isang 71-year-old na lola na bedridden at 'di umano'y biktima ng sexual harassment. Ang salarin? Ang kanyang apo na gagampanan ng aktor na si Ahron Villena.

Isa sa mga kontrobersyal na eksena ni Ahron Villena sa 'Ilaban Natin 'Yan' ngayong Sabado
Isa sa mga kontrobersyal na eksena ni Ahron Villena sa 'Ilaban Natin 'Yan' ngayong Sabado

Isa sa mga kaabang-abang na parte ng programang 'Ilaban Natin 'Yan' ay ang reenactment o pagsasadula ng tampok na istorya. Para sa episode ngayong Sabado, ang gaganap na anak ng 71-year-old na lola ay si Tina Paner, at ang gaganap namang pamangkin ni Tina at asawa ni Ahron ay si Sanya Lopez.

Sa kanilang guesting sa Barangay LS 97.1 FM, ikinuwento ni Sanya na mabigat ang pinagdaraanan ng karakter na gagampanan niya. Ayon kay Sanya, ang pinakamalaking problema ng karakter niyang si Charmaine ay kung hanggang saan at kailan iintindihin ang asawa niyang si Noel.

At ayon naman kay Ahron, drug addict ang gagampanan niyang karakter na si Noel. Aniya, “Medyo dark yung character. Talagang all-out ang ipapakita ko dito.”

Sumang-ayon naman dito ang aktres na si Tina Paner, sabi niya, “Doon nga nagsimula ata kaya si lola nagrereklamo.”

Abangan ang kontrobersyal na problemang sosolusyonan ni Vicky Morales at ng mga eksperto sa isa na namang istoryang kapupulutan ng aral sa 'Ilaban Natin 'Yan'. Ngayong Sabado na 'yan, alas-kuwatro ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.