
Sumabog ang katatawanan sa The Boobay and Tekla Show nang makisaya ang D' Ninang stars na sina Aiai Delas Alas, Kisses Delavin, at Kelvin Miranda kina Boobay at Tekla nitong Linggo, January 19.
Kumasa sina Aiai, Kisses at Kelvin sa “Whisper Challenge,” kung saan ilang mga kataga ang hinulaan nila habang nakasuot ng noise-cancelling headphones.
Sina Boobay at Aiai ang magka-team habang sina Tekla, Kisses at Kelvin naman ang nagkampihan.
Samantala, si Kris Bernal naman ang nakisali sa panggu-good time sa “Pranking in Tandem” segment.
Ang kanyang biktima, mga nag-o-audition sa bagong girl group na “Okoy Girls.”
Nakasama naman ng fun-tastic duo si K-Pop Idol 2019 Ajay Balmores sa "Dear Boobay and Tekla."
Si Ajay kasi ang mismong nagpadala ng sulat at naghahanap daw siya ng makakasama sa buhay.
Ano kaya ang magiging solusyon nina Boobay at Tekla?
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show!
Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!
Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!