What's Hot

WATCH: Aiai Delas Alas, manager na ng rap group na Ex Battalion

By Marah Ruiz
Published March 13, 2018 11:00 AM PHT
Updated March 13, 2018 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EJ Obiena rules ISTAF Indoor with season-best clearance
For Bea Alonzo, jewelry makes the outfit
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention

Article Inside Page


Showbiz News



Aiai Delas Alas, manager na ng Ex Battalion! Alamin ang detalye dito.

Tuloy tuloy na talaga ang pagsikat ng Ex Battalion, ang Pinoy rap group na nasa likod ng hit song na "Hayaan Mo Sila."

Dahil sa kasikatan ng kanta, ginawan pa ito ng parody ni Kapuso comedian Michael V sa programang Bubble Gang. Viral na rin ang ginawang parody ni Bitoy, kung saan may special participation pa mismo ang Ex Battalion.

Bukod kay Bitoy, nakuha din nila ang pansin ni Philippine Comedy Queen Aiai delas Alas at kamakailan, pumirma ang grupo ng isang management contract sa ilalim nito.

Nakatrabaho na nila noon si Aiai nang mag-collaborate sila para sa kanta nitong "Walang Pinipili."

"Be professional. Don't be late. Always be humble. Always pray. Be thankful sa swerteng dumating sa buhay niyo," payo sa kanila ni Aiai. 

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: