
Alam niyo bang mga business owners din ang ating Kapuso stars? Hindi lang show business ang ginagalawan nina Aiai Delas Alas, Martin del Rosario, at Glaiza de Castro dahil meron rin silang mga sariling negosyo.
Kakabukas lang ng Comedy Queen at ng kanyang anak na si Sancho delas Alas ng Ai Sarap Express. Ani ng komedyante, “[Ito] ang bago kong baby. Every day, halos nandito ako. Siyempre, iba [ay] natutunan ko na sa negosyo since ito nga ‘yung third. Ang first namin, mga year 2000.”
Mahilig naman sa nightlife ang upcoming Hindi Ko Kayang Iwan Ka star Martin del Rosario na siyang part owner ng The Armory sa Quezon City. Saad ng aktor, “Bar [at] resto siya. Lima kaming owners, and naisipan kong mag-negosyo ng bar kasi noon, mahilig lang ako lumabas. At least now, hindi na ako lalayo.”
Iba-iba naman ang hawak na negosyo ni Contessa leading lady Glaiza de Castro na hango sa kanyang mga hilig gawin.
Aniya, “Since passion ko talaga ‘yung pagta-travel, hindi mahirap para sa akin na pagsabayin. Malaking tulong sa akin ang travel agency ko ay ‘yung pag-aareglo ng visa, pagkakausap doon sa mga land transfers [at] mga tours.”
Pagmamay-ari ng Kapuso star ang Galura Studio, Galura Travel International Company at part owner din siya ng Runner’s Kitchen.