What's Hot

WATCH: Aiai Delas Alas, may suspetsa na kung sino ang nagnakaw sa kanya

By Cara Emmeline Garcia
Published September 9, 2019 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas theft victim


Aiai Delas Alas sa akyat-bahay na magnanakaw, "Hindi ko man mahuli ngayon, pero pagbabayaran mo rin yan..."

Tila nag-ala Spider-Man ang magnanakaw nang pumasok sa bahay ni Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas sa Quezon City noong Biyernes, September 6.

Aiai Delas Alas
Aiai Delas Alas

Kuwento ni Aiai, magpapahinga na raw dapat silang mag-asawa nang marinig nila ang tahol ng kanilang aso na si Sailor.

Kinabukasan, napagtanto ng dalawa na akyat-bahay gang pala ang tinatahulan nito.

“Hinahanap ko 'yung bag ko kasi kailangan kong bayaran 'yung hairdresser ng nanay ko. Tapos napansin ko na bukas 'yung terrace.

“Lumabas 'yung asawa ko. tas tinignan niya kung ano 'yung nangyari at bukas 'yun.

“Then, nakita niya 'yung bag ko nasa kalye.”

Maliban sa wallet at ATM cards, wala naman raw ibang ninakaw sa komedyante.

Dagdag pa niya may suspetsa na raw siya kung sino ang maaring gumawa nito.

Aniya, “Hindi ko man mahuli ngayon, pero pagbabayaran mo rin yan kung saan man tayo marating.”

Nagsasagawa na rin daw ang QCPD ng imbestigasyon at mayroon na raw itong tinitignang ilang personalidad kung sino ang naging salarin ng krimen.

Panoorin ang buong ulat ni Dano Tingcungco:

#DaWho: A-list celebrity, hindi namalayang nanakawan sa loob ng sariling bahay

#BeVigilant: Celebrities na ninakawan