
Nakakaramdam daw ng parehong nerbyos at excitement sina Aiai delas Alas at Gerald Sibayan dahil ilang araw na lang ang kailangan hintayin bago ang kanilang kasal.
December 12 nakatakdang ikasal ang dalawa at ayon kay Aiai, "intimate" daw ang magiging kasalan.
"Very intimate lang—family, very close friends tapos 'yung mga sa famili din nila, mga lolo [at] lola niya," bahagi ng komedyana sa mga imbitado.
Ayon naman kay Gerald, diretso sila ng honeymoon pagkatapos ng kasal.
"Uunahin namin, magja-Japan. Agad-agad, kinabukasan!" natatawang pahayag nito.
Panoorin ang interview ni Lhar Santiago kina Aiai at Gerald: