What's Hot

WATCH: Aiai Delas Alas, naging emosyonal sa kanyang Cinemalaya Best Actress win

By Cherry Sun
Published August 13, 2018 10:04 AM PHT
Updated August 13, 2018 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics called to follow Joseph’s faith amid hardships on 3rd anticipated Simbang Gabi
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Binaha ng emosyon ang Comedy Queen of the Philippines na si Aiai Delas Alas matapos malaman ang kanyang pagpanalo! Silipin 'yan sa article na ito.

Naging emosyonal si Aiai Delas Alas nang malaman niyang siya ang nagwagi bilang Best Actress sa Cinemalaya para sa kanyang pagganap sa pelikulang School Service.

Kuwento ni Aiai, ang kanyang anak na si Sancho ang nagpaabot ng magandang balita sa kanya habang siya ay nanonood ng The Clash.

Pag-alala niya, “At ako naman, 'Oh my God, nanalo ako, nanalo ako!!!' Super crayola 48 colors, thank you, Lord, sobra. Nanalo ako. Bigla kong naisip, tama ba dinig ko? Haha. Bigla ko tinanong si Sancho, 'Totoo ba 'yan, anak? Sabi niya, 'Oo, Ma, si Direk Louie tag ako.' So ayun naniwala na ako.”

Ipinayahag din niya ang kanyang pasasalamat at dedikasyon sa kanyang pagkapanalo.

Sambit ni Aiai, “Maraming salamat po Cinemalaya jury at Cinemalaya sa award na ito. Nais kong i-share ang award na ito sa aming direktor Louie Ignacio, labyu. Tita Baby Go and BG productions, Dennis E, Ferdie Lapuz, sa mga kasama ko sa School Service, mga bata at sa mga crew at sa aming cinematographer na si Rhain, Direk Joe Lamangan at si Tito Jo Gruta. Share ko din ito sa mga magagaling kong mga co-nominadong actress na si Glaiza, Iza, Tita Perla at sa mga 'di ko nabanggit congrats din.”

“At kay Lord na sabi ko, 'Pasensya na, Lord, nagmumura ako sa movie na ito,' hehe pero 'yun ang takbo ng buhay sa pelikulang ito ang hirap at katotohanan sa buhay. Mama Mary, thanks din po. Sa lahat ng blessings, TO GOD BE THE GLORY. Mga inspirasyon ko sa buhay, thank you mga anak Sancho, Niki, Sophia and Andrei, at sa aking asawa, Gerald, happy monthsary darl. Ang ganda ng gabing ito,” pagtatapos niya.

Pasensya na sa reaksyon na ito hehe .. kasi naman po nanonood ako ng the clash nag aanalyze pa ako ng mga nanalo at lumaban tapos ang pag kasabi sancho MAMA NANALO KA NG BEST ACTRESS?! ( paranong na excited).. at ako naman omy GOD nanalo ako nanalo ako !!! Super crayola 48 colors thank you LORD SOBRA !! NANALO AKO ( bigla kong naisip tama ba dinig ko ?? Haha 😂bigla ko tinanong si sancho totoo ba yan anak ? Sabi nya oo ma si direk loui tag ako .. so ayun naniwala na ako... at ngayun na nahimasmasan nako ... 😛MARAMING SALAMT PO CINEMALAYA JURY AT CINEMALAYA SA AWARD NA ITO ..nais kong ishare ang award na ito sa aming direktor LOUI IGNACIO , labyu .. tita BABY GO and bg productions , dennis e, ferdie lapuz, sa mga kasama ko sa SCHOOL SERVICE ,mga bata at sa mga crew at sa aming cinematographer na si rhain , direk joe lamangan at si tito jo gruta ... share ko din ito sa mga magagaling kong mga co nominadong actress na si glaiza ,iza tita perla at sa mga d ko nabanggit congrats din ....at kay LORD na sabi ko pasensya na lord nag mumura ako sa movie na ito hehe pero yun ang takbo ng buhay sa pelikulang ito ang hirap at katotohanan sa buhay.. mama mary tnx din po ... sa lahat ng blessings TO GOD BE THE GLORY ... mga inspirasyon ko sa buhay thank you mga anak sancho , niki , sophia and andrei .. at sa aking asawa gerald happy monthsary darl ang ganda ng gabing ito ... 💚

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on


Si Direk Louie ang kumatawan kay Aiai sa pagtanggap ng parangal.

Thank you direk loui sa pagtanggap ng award @direklouieignacio and thank you po sa jury ng CINEMALAYA AT SA CINEMALAYA.. and congrats din sa aking mga co nominadong aktres magagaling ang mga kalaban ko .. @missizacalzado @glaizaredux tita perla ,ms celeste legazpi, at sa lahat ng nanalo sa cinemalya CONGRATULATIONS PO.... TO GOD BE THE GLORY 💚

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on