What's on TV

WATCH: Aiai Delas Alas sa bashers: "Dami niyong alam"

By Cherry Sun
Published August 19, 2018 2:00 PM PHT
Updated August 19, 2018 2:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



"Don't judge me kasi hindi po kayo judge," sambit ni Aiai Delas Alas sa kanyang bashers. Basahin ang kabuuan ng kanyang pahayag.

Hindi man nagpapaapekto pero totoong nakakatanggap daw ng hate comments si Aiai delas Alas ngayong isa siya sa mga judges ng The Clash.

Sa pag-guest ng The Clash panel na binubuo nina Aiai, Lani Misalucha at Christian Bautista sa Tonight With Arnold Clavio, inamin ng Philippine Queen of Comedy na ang kanyang dalawang kasama ang tunay na singers kaya naman ang total performance raw ang kinikilatis niya.

Aniya, “Kailangan ipakita mo sa akin na 'Nandito ako para lumaban.' Hindi 'yung kakanta-kanta ka lang na ganyan, walang kabuhay-buhay. Hindi dapat 'yung ganun.'”

Nakatanggap daw ng kritiko si Aiai mula sa mga netizens ni kinkuwestiyon ang kanyang credibility bilang isang judge. Gayunpaman, binabalewala lamang daw niya ang mga ito.

Sambit ni Aiai, “Modesty aside, marami na rin naman ako na-contribute sa industriyang ito, hindi lang sa pagkanta, hindi lang sa pelikula. Nakilala niyo rin naman po ako so I think 'yun namang maliit kong pangalan ay may karapatan din naman po akong mag-judge. Kaya, don't judge me kasi hindi po kayo judge. Ako ang judge kaya ako ang may karapatan i-judge kayo. Tse. Dami niyong alam.”

)