What's Hot

WATCH: Aiai Delas Alas, thankful sa gantimpalang natanggap sa 39th Oporto Int'l Film Festival

By Cara Emmeline Garcia
Published March 5, 2019 11:14 AM PHT
Updated March 5, 2019 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics called to follow Joseph’s faith amid hardships on 3rd anticipated Simbang Gabi
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Natanggap ni Aiai Delas Alas ang Best Actress award para sa pelikulang 'School Service' sa 39th Oporto International Film Festival na ginanap sa Portugal noong Sabado, March 2.

Ika-apat na international award na ni Aiai Delas Alas ang kanyang nakuhang gantimpala bilang Best Actress sa 39th Oporto International Film Festival na ginanap sa Portugal noong Sabado, March 2.

Aiai delas Alas
Aiai delas Alas

Gumanap ang Kapuso actress sa pelikulang “School Service" na tungkol sa child trafficking at isinulat ni Direk Louie Ignacio na siyang tumanggap ng gantimpala para sa aktres.

Kuwento ni Aiai, isang karangalan na raw ang maging nominado sa kategorya.

“Ninenerbyos ako and at the same time excited ako na nominated ako and baka sakaling manalo. So happy na ako.

"Then nung tinext na nga ako the next day, sabi ko 'Yay! Nanalo ako,” dagdag niya.

Panoorin ang buong interview:

Aiai Delas Alas nominado sa Queens World Film Festival

Ito na ang ikalawang gantimpalang natanggap ni Aiai para sa “School Service”.

Una siyang na-nominate sa kategoryang Best Actress sa 2018 Cinemalaya Film Festival. Kasama niya ang Inagaw na Bituin star na si Therese Malvar na umuwi naman ng Best Supporting Actress Award sa parehong film festival.

Aiai delas Alas wins best actress in Oporto International Film Festival