What's Hot

WATCH: Aiai Delas Alas, umaming matagal nang may psoriasis

By Marah Ruiz
Published June 25, 2018 10:58 AM PHT
Updated June 25, 2018 11:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Aiai Delas Alas na minsan na nakaapekto ang pagkakaroon niya ng psoriasis sa kanyang trabaho. Panoorin kung paano niya na-manage ang sakit na ito.

Matagal na palang may dinadalang karamdaman si Kapuso actress and comedian Aiai Delas Alas.

Teenager pa lang kasi siya, mayroon na siyang skin condition na psoriasis. 

"Since 15 years old, meron ako niyan. And lahat ng medicine nagawa ko na. Lahat na-try ko na," kuwento niya. 

Nagdudulot ng mga mapulang mga patse sa balat na makati o mahapdi. Hindi nakakahawa ang sakit na ito pero posible itong mamana. Maaari rin itong dulot ng infection o stress.

Aminado si Aiai na minsan na itong nakaapekto sa kanyang trabaho. 

"Namomroblema ko 'pag kunyari kailangan tatalon ako sa swimming pool, kailangan naka bathing suit ako. Eh what if meron ako?" paliwanag niya.

Wala pang lunas para sa sakit na ito pero para labanan ang sakit, binago niya ang kanyang diet. 

Umiwas na siya sa pagkain na maraming carbohydrates at mas pinipili ang mga organic food. Dahil dito, dalawang taon na raw siyang hindi nakakaranas ng mga sintomas ng psoriasis.

"Since this is autoimmune na disease, dapat hindi ka nagkakasakit," aniya.

Panoorin ang buong interview sa kanya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend.

Video courtesy of GMA News