
Kumpirmado nang gaganap bilang bagong Gigi Van Tranh ang Kapuso singer na si Aicelle Santos sa award-winning musical production na Miss Saigon.
Sa third week nitong buwan nakatakdang umalis si Aicelle patungong United Kingdom para sa kanyang training.
Matatandaang ginampanan din nina Isay Alvarez at Rachelle Ann Go ang highly-coveted role na ito.
Mapapanood pa rin sa musical na "Himala" si Aicelle hanggang March 11.
Panoorin ang video na ito: