GMA Logo
Celebrity Life

WATCH: Aiko Melendez reveals story behind her fractured finger

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 16, 2019 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH skateboarders win gold as Kayla Sanchez continues SEA Games dominance
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Ano nga ba ang dahilan ng injury ni Aiko Melendez?

Marami ang nagtataka kung ano ang nangyari sa kamay ng aktres na si Aiko Melendez nang mag-post siya ng kanyang picture sa social media.

Makikita na may cast ang kanang kamay ni Aiko sa ibinahagi niyang larawan.

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on


Sa kanyang latest vlog na AIKOnfess, ipinaliwanag ni Aiko kung ano'ng nangyari sa kanyang kamay.

"Alam niyo naman po na matagal na akong nagbo-boxing so it's one of those days na mali 'yung mitts na nasuot ko, 'yung hand wrap na nasuot ko medyo manipis," paliwanag ni Aiko.

"Sa impact nung suntok na ginagawa ko during my cardio workout, nabali, na-fracture 'yung fourth finger ko."

Ipinakita rin ni Aiko kung paano nagawan ng mga direktor ng Prima Donnas na sina Gina Alajar at Aya Topacio na maitago ang kanyang nabaling daliri sa mga eksena.

Alamin kung paano itinago ni Aiko ang kanyang naka-cast na kamay sa Prima Donnas sa kanyang latest vlog: