
Kaya rin pala ni veteran actor at director Al Tantay ang tinaguriang 'thug life!' Nakipagsabayan kasi siya sa pagra-rap ng Pinoy hiphop group na Ex Battalion.
Ipinamalas niya ang kanyang rapping skills sa isang eksena sa September 17 episode ng Victor Magtanggol.
Mapapansin kasi ng kanyang karakter na si Tomas na may tatlong binatang pakanta-kanta lang sa tabi, imbis na tumulong sa clean up drive ng barangay.
Kaya naman sasagutin niya ng sarili niyang rap verse ang mga ito para himuking tumulong sa paglilinis.
Panoorin ang pakikipagsabayan niya ng rap kina Flow-G, MC Rhenn at Brando ng Ex Battalion:
Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.