What's Hot

WATCH: Alden Richards at Maine Mendoza, kinumpirma ang relationship status nang ma-hot seat?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2017 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News



Tanong sa phenomenal love team, “Ano na ba talagang status niyong dalawa?”

Sumalang sa hot seat sina Alden Richards at Maine Mendoza sa ‘Star Buzz’ segment ng Sunday PinaSaya kung saan hindi sila nakaligtas sa tanong ni Kissy Anino (Barbie Forteza).

Tanong sa phenomenal love team, “Ano na ba talagang status niyong dalawa?”

Ipinaubaya ni Maine ang pagsagot sa Pambansang Bae. Tugon naman ni Alden na ikinatuwa ng mga tao sa Sunshine Park sa Baguio City, “Actually kami na talaga.”

“Teka, hindi pa ako tapos. Kami na talaga ang bibida sa Destined To Be Yours,” patuloy niya.  

Bumawi rin si Alden at ipinaliwanag kung ano nga ba ang tunay na namamagitan sa kanila ng kanyang on-screen partner.

Aniya, “Alam naman ng lahat ng tao sa buong mundo siguro na nakikita kami ni Maine dalawa na kung ano talaga kami. Na kung ano talaga kami, na masaya kami kung anong meron kami eh ‘di ba. Kung anong meron tayo as in. Kung ano man ‘yung nakikita niyo sa amin ni Maine, ‘yun ‘yung real thing.”

Sina Alden at Maine ay bibida sa pinakabagong Kapuso teleserye na Destined To Be Yours na mapapanood na simula bukas, February 27. Wika nila sa panayam ay pareho silang naniniwala sa tadhana, at para sa kanila ay destiny kung paano sila nagkakilala.

Bahagi ng Pambansang Baem “Actually ang dami kasing instances na talagang parang ‘yung mga nangyayari sa aming dalawa ni Maine is parang kagustuhan ng destiny.”

“Ang dami eh, Eat Bulaga, Tamang Panahon, ‘yung mga ginagawa [naming projects], ‘yung soap mismo. Itong Destined To Be Yours, feeling ko destiny namin gawin talaga ‘to,” dugtong niya.

Ngayong isang tulog na lang bago mapanood ang kanilang kauna-unahang teleserye, nagbigay ng mensahe ang AlDub sa isa’t isa.

Wika ni Alden para kay Maine,“Ako, simple lang kasi thankful ako na at least nabigyan tayo ng opportunity Maine na makagawa ng soap para may maihandog tayong bago sa lahat ng sumusuporta sa atin, sa lahat ng nagmamahal sa atin. Excited na akong mapanood nila kasi alam ko ‘yung effort nating dalawa, and lalo ka na, ‘yung effort na ibinigay mo para makapag-adjust dito sa show, na hindi madali kasi first time mo nga nag-show so ‘yung pagod, ‘yung puyat, pero ginawa mo pa rin para sa Destined To Be Yours, so thank you!”

Saad naman ni Maine, “Syempre ako naman nagpapasalamat din ako sa iyo kasi isa ka sa mga tumutulong sa akin doon. Tulad nga ng sabi mo na ang dami kong kailangang gawing adjustments pero napapadali sa akin ‘yung work kasi masaya kayong kasama doon lahat. Kaya, thank you. Salamat.”

MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA:

READ: Alden Richards, nami-miss daw si Maine Mendoza tuwing magpupunta sa ibang bansa

WATCH: Unang patikim sa opening scene ng Destined To Be Yours 

IN PHOTOS: Destined To Be Yours press conference