
Nakipagkulitan ang mga Victor Magtanggol stars na sina Alden Richards at Yuan Francisco sa Kapuso ArtisTambayan. Dito naglaro sila ng sari-saring games gaya ng Overacting Challenge ngunit 'di alam ni Yuan na dinadaya na pala siya ng Pambansang Bae.
Kahit dinaya man ni Alden si Yuan, aminado pa rin ang bibong child star na idolo niya si Alden.
Nagpa-cute at nagpabida hindi lang si Yuan pati na rin si Alden sa harap ng camera. Ipinamalas pa nga ni Alden ang kaniyang signature move.