What's on TV

WATCH: Alden Richards, excited na sa premiere night ng 'The Gift'

By Cara Emmeline Garcia
Published September 16, 2019 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BI lauds immigration officers posted at manned airports, seaports amid holidays
Cebu Archbishop: There is hope for the Philippines
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan si Alden bilang Sep sa The Gift, simula September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Excited na raw si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa premiere night ng kanyang bagong Kapuso soap na The Gift.

Sa panayam ni Iya Villania, inamin ni Alden na hindi raw niya namalayan na sa darating na Lunes na ang unang gabi ng kanyang soap.

Aniya, “Nagulat ako dahil sa sobrang nag-e-enjoy ako sa soap, hindi ko ine-expect na Monday na pala kami i-ere.

“Happy ako na makabalik na ako sa primetime. At the same time, ito talaga 'yung isa sa pinangarap kong gawin na mag-portray ng isang role na may kapansanan. Hindi ko pa siya nagagawa, it's my first time.

“And 'yung mensahe ng The Gift is very meaningful to me and also dun sa makakanood, siguradong mai-inspire sila dahil sa dilim ng pagsubok paniguradong sisikat at sisikat ang liwanag ng pag-asa.

“With this soap opera, I hope we can touch lives again through the story and siyempre makaka-relate sila dito kasi na-miss ko 'yung ganitong klaseng role, 'yung maka-masa.”

Sa The Gift, gaganap si Alden bilang ang Divisoria vendor na si Sep. Dahil sa isang aksidente, mawawalan siya ng paningin pero magiging kapalit naman nito ang kakayanang makita ang nakaraan at hinaharap. Dahil dito, magsisilbing inspirasyon at pag-asa si Sep sa kanyang komunidad.

Abangan si Alden bilang Sep sa The Gift, simula September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Panoorin ang buong panayam ni Iya Villania:

Alden Richards, humuhugot ng inspirasyon sa Divisoria para sa 'The Gift'

Alden Richards, tanggap ang beautiful pressure ng 'The Gift'