
Ilang araw na lang ang kailangang hintayin para mapanood ang GMA Telebabad superhero series na Victor Magtanggol.
Para sa lead star nitong si Alden Richards, nais niyang makilala ng mga manonood ang kanyang karakter bilang isang mabuting halimbawa.
"Iba 'yung magiging connection ni Victor Magtanggol sa mga tao kapag pinanood siya. Siya 'yung perfect example ng nagsasakripisyo para sa pamilya. Tapos ang daming obligayson—na kailangan niyang i-set aside 'yung sarili niya para magawa niya 'yung mga bagay na kailangang gawin," paliwanag ni Alden tungkol sa kanyang karakter.
"Ganoon naman tayong mga Pilipino eh. Gusto kong makita ng mga audience na si Victor Magtanggol is willing to sacrifice himself for everyone," dagdag pa niya.
Samantala, masaya daw ang actor/director na si Eric Quizon na mapabilang sa isang higanteng telefantasya.
"Magiging isang magandang offering ito ng GMA, so I'm glad to be part of it. Ang daming magagaling at mahuhusay na artista ang involved sa show na ito," pahayag niya.
Ibinida naman ni John Estrada ang efforts na ginawa ng mga tao sa likod ng camera pagdating sa pagbuo ng mundo ni Victor Magtanggol.
"GMA is famous when it comes to doing fantaseryes so I'm excited to be a part of it. The set design, the effects, talagang ginastusan at pinag-isipan," aniya.
Panoorin kung ano pa ang ikinaka-excite ng iba pang male stars ng Victor Magtanggol.