
Hindi umatras ang Kapuso actor na si Alden Richards sa “Hello o Goodbye” challenge ng Tonight With Arnold Clavio.
Sa segment, tinanong ni Arnold Clavio si Alden kung gusto ba nitong magpa-tattoo sa hinaharap.
“Bad boy na ito,” aniya habang pinakita ang salitang 'hello' sa placard.
“Gusto ko something meaningful kasi nako-consider ko na siya kahit ayaw pa akong payagan.
“Nag-i-interview ako ng mga mayroong tattoo nang matagal na at sabi nila 'yung tattoo na ipapalagay mo, bigyan mo ng foresight mga 10 years after.
“After 10 years, tingin mo ba gusto mo pa rin yung tattoo mong iyan? 'Tsaka ka magpalagay.
“So, siguro 'yung ipapalagay ko something na may impact sa buhay ko para hindi ko siya pagsasawaan.”
Panoorin ang “Hello o Goodbye” challenge ng TWAC kay Alden:
LOOK: Alden Richards shows value of paying it forward
EXCLUSIVE: Alden Richards hopes 'Avel x Alden' athleisure wear will be a hit