
Bago pa man maging isang superhero, isang OFW o overseas Filipino worker muna ang title character sa GMA Telebabad series na Victor Magtanggol.
Lumipad kasi si Victor patungong Canada para magtrabaho at para mahanap ang kanyang ina.
Kaya naman gusto daw i-dedicate ng lead star nitong si Alden Richards ang serye sa mga OFWs.
"Ramdam ko 'yung pangungulila sa mga mahal sa buhay. Pero 'yun 'yung isang ugali ng mga Pilipino talaga na proud ako. Masasabi kong Pilipino ako. Handa tayong magsakripisyo talaga. Handa tayong magsakripisyo para mabigyan ng magandang buhay 'yung mga mahal natin sa buhay dito," pahayag ni Alden.
Samantala, nakakuha naman si Alden ng papuri mula sa kanyang co-star na si Janine Gutierrez.
"Ang galing ni Alden! Mahusay talaga siya dito. Talagang bumagay sa kanya 'yung role na Victor Magtanggol kasi hindi lang siya basta 'yung typical na superhero na very macho, very action lahat. Si Victor talagang may puso at saka funny. Funny siya," ani Janine.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:
Patuloy na subaybayan ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.