
Exciting!
Kinumpirma na ni Pambansang Bae Alden Richards ang cameo role nila ng kanyang ka-love team na si Maine Mendoza sa upcoming Metro Manila Film Festival entry na Enteng Kabisote 10 and the Abangerz.
"Meron po kaming magiging role doon sa resort, cameo role. Enjoy naman po!," kuwento ni Alden kay 24 Oras reporter Aubrey Carampel.
Nakatakda ring mag-host si Alden sa 21st Asian Television Awards na gaganapin sa Singapore sa December.
READ: Alden to host 21st Asian Television Awards
"First time ko po magho-host abroad. Malaking tulong po talaga sakin na nakakapag Eat Bulaga po ako everyday para ma-harness ko 'yung hosting skills," aniya.
Nagbigay din ng komento si Alden tungkol sa drug testing para sa mga celebrities.
"Ako, I agree po, 100% kasi siympre mahirap din po 'yung merong exception sa clustering o sa pagpili ng grupo o mga grupo ng tao na kailangang ipasailalim sa drug test," paliwanag niya.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras dito:
MORE ON ALDEN RICHARDS:
Alden hopes to continue inspiring people as he receives Diamond Record Award
WATCH: Alden Richards, minamasahe si Maine Mendoza