What's Hot

WATCH: Alden Richards, may inihahanda para sa kaarawan ni Maine Mendoza?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2017 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang pinaplano ni Tisoy para kay Menggay sa ika-22 na kaarawan nito?

Sa Biyernes, March 3, ay ipagdiriwang ni Maine Mendoza ang kanyang 22nd birthday. May sorpresa ba muli si Alden Richards para sa kanyang ka-love team?

Sa panayam ng 24 Oras, ikinuwento ni Maine na simple lamang ang kanyang magiging celebration.

Aniya, “On the day itself, dinner with the family po and close friends.”

Hindi naman ibinahagi ni Alden ang kanyang plano ngunit katulad noong nakaraang taon ay nais pa rin niyang masorpresa si Maine.

“Yes po, surprises, ganyan. ‘Yung mga unexpected. Lahat naman po ng nangyayari sa buhay namin ni Maine ngayon puro unexpected eh,” sambit ng Pambansang Bae.

Nakapanayam ni Lhar Santiago ang AlDub love team sa set ng Destined To Be Yours. Pansin daw ang sigla ng dalawa sa kanilang trabaho kahit na kagagaling lamang nila sa Baguio City para sa Panagbenga Festival.

Pagpapasalamat ni Maine, “First time ko po mag-celebrate ng Panagbenga doon and sumakay din ng float doon. 'Di ko naman inexpect na marami ding pupuntang mga fans din sa Baguio para lang suportahan kami. Mga taga-Maynila talaga pong sumadya ng Baguio.”

Kagabi, February 27, ay naging matagumpay ang world premiere ng Destined To Be Yours na nag-trend din worldwide.


Video courtesy of GMA News

 

MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA:

 

First episode ng Destined To Be Yours, pinakilig ang mga netizens

#MusicAndLyrics: 'Tadhana' by Denise Barbacena

WATCH: Maine Mendoza, pinayuhan ni Alden Richards sa paggawa ng 'Destined To Be Yours'