
Simula pa lang ng taon ngunit may malaking pasabog na si Pambasang Bae Alden Richards sa numero unong Sunday noontime habit sa bansa, ang Sunday PinaSaya.
Una nang ipinagdiwang ng Kapuso star ang kanyang 26th birthday sa longest-running noontime show na Eat Bulaga. Sa pangalawang pagkakataon ay may espesyal na handa ang Pambansang Bae para sa kanyang birthday celebration.
Abangan ang surprise ni Alden na siguradong dadagsain ng mga bisita ngayong Linggo (January 7) ng 12 noon sa Sunday PinaSaya.