Ongoing na ang taping para sa pinakaaabangang teleserye na pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours.
Balik primetime si Alden, habang ito naman ang debut ni Maine bilang isang primetime actress.
Ayon kay Alden, nakakapagbigay siya ng ilang acting tips kay Maine, pero naniniwala rin siya sa malaking potensiyal ng ka-love team bilang isang dramatic actress.
"Si Maine kasi has a lot inside her. Marami siyang tools na puwedeng magamit sa acting. 'Yung emotions ni Maine, nilalagay niya sa words, nagsusulat siya," paliwanag nito.
Panoorin ang buong interview sa Pambansang Bae sa ulat na ito ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News
MORE ON ALDUB:
WATCH: Cast ng AlDub teleserye na 'Destined To Be Yours,' ipinasilip!
LOOK: AlDub dominates Twitter Philippines 'Biggest Moments in 2016'