What's Hot

WATCH: Alden Richards, panauhing pandangal sa bazaar para sa Marawi soldiers

By Marah Ruiz
Published November 25, 2017 12:35 PM PHT
Updated November 25, 2017 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



"Very timely" raw ang project na ito dahil ngayong Sabado, November 26, na eere ang kaniyang Magpakailanman episode. 

Isa sa mga panauhing pandangal si Pambansang Bae Alden Richards sa bazaar na idinaos ng Association of Women Legislators.

Espesyal ang bazaar na ito dahil lahat ng proceeds na ito ay mapupunta sa mga paliya ng mga sundalong nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban sa Marawi. 

Dahil dito, walang alinlangang tinanggap ni Alden ang imbitasyon sa kanya ng organisasyon. 

"Sabi ko nga po, very timely kasi sa Saturday po eere na po 'yung episode na ginawa ko for Magpakailanman. 'Yung case study po namin is a Marawi soldier," pahayag niya. 

Bibigyang buhay kasi ni Alden ang kuwento ni Private First Class Jomille Pavia.

"After doing that, sobrang tumaas po lalo 'yung repeto ko para sa mga kababayan nating sundalo. Talagang hindi madali yung trabaho nila. I hope that everyone will gain knowledge about what really a soldier does for the country," aniya. 

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: 

 

Huwag ding kalimutang panoorin si Alden sa "Kwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo" na fifth anniverasary special ng Magpakailanman sa November 25, pagkatapos ng Pepito Manaloto.