
Hindi pagiging artista ang pinangarap ni Kapuso actor Alden Richards noong bata pa siya kung 'di ang makalipad patungo sa buwan.
Sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, ibinahagi ni Alden ang kanyang childhood dream. "Astronaut noong bata pa. [Nung] mga five years old [ako], 'yun talaga 'yung goal [ko] dahil gusto ko makapunta sa moon," saad niya.
Dahil hindi natupad ang pangarap, sisiguraduhin na lang daw ni Alden na mabibisita niya ang NASA (National Aeronautics and Space Administration) Johnson Space Center sa kanyang pagpunta sa Texas, U.S.A. ngayong buwan.
Isasabay ni Alden ang sidetrip na ito sa kanyang concert sa handog na event ng GMA Pinoy TV at GMA Life TV na Fiesta Ko sa Texas 2017 na gaganapin ngayong August 13 sa Bayou City Event Center sa Houston Texas.
"First time ko makakapunta to see our fellow Kapusos roon and looking forward po ako," pahayag ng Pambansang Bae.
Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report: