What's Hot

WATCH: Alden Richards, tinupad ang pangarap ng fan na makita siya

By Bianca Geli
Published July 4, 2018 2:09 PM PHT
Updated July 4, 2018 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Tunghayan ang madamdaming pagkikita nina Alden Richards at Angelica na isang simpleng dalaga na may hindi matago-tago na kondisyon sa mukha.

Kilalanin si Angelica, isang simpleng dalaga na may hindi matago tago na kondisyon sa mukha. Lumaylay na kasi ang kalahati ng kaniyang mukha dahil sa bukol. Ang kaniyang kaliwang pisngi, mahigit kalahating kilo na raw ang bigat. Ang kaniyang kaliwang mata, halos hindi na rin niya maidilat.

Matagal na raw malabo ang mga mata ni Angelica, “Wala na ako masyadong makita, half na lang kasi nahihila ito.”

Pero dahil sa kaniyang kondisyon, si Angelica, ayaw na humarap sa salamin. “Hindi ko kasi pinapakita na umiiyak ako. Parang ayaw mong kaawaan, kinikimkim mo lang.”

Tinubuan din siya ng mga butlig sa kaniyang kaliwang paa pati na sa kaniyang likuran. Kaya naman tumungo na siya sa social media para humingi ng tulong. Nag-viral ang college graduation photo na ipinost sa Facebook, humihingi ng tulong para maoperahan ang kaniyang bukol.

Nagpatingin na rin daw si Angelica sa isang espesyalista, pero hindi pa nila nababalikan ang resulta dahil sa kakulangan sa pera.

Sinamahan ng Kapuso Mo, Jessica Soho si Angelica sa kaniyang doctor, at saka nalaman ni Angelica na ang inaakalang bukol, isa pa lang deformity sa mukha.

Sa hirap ng dinadalang kondisyon ni Angelica, nakahanap siya ng inspirasyon kay Pambansang Bae. Kaya naman ang KMJS, naghanda ng sorpresa para kay Angelica at sa idol niyang si Alden Richards.

“Hindi alam ni Angelica na makikita niya ako today. Sakto rin kasi ngayon ‘yung araw ng flight niya, so imi-meet natin siya para sulit naman ‘yung pagpunta niya rito," saad ni Alden.

Tunghayan ang istorya ni Angelica at ang kanilang  madamdamin na pagkikita ni Alden Richards sa KMJS: