
Alamin ang style na type ng mga Kapuso stars!
Ang paborito ninyong Kapuso stars na sina Alden Richards, Maine Mendoza, Miguel Tanfelix at Bianca Umali ay may style tips ngayong holiday season.
Bukod sa Christmas decorations na nilalabas at naka-display kung saan-saan, umiiba rin ang mga kasuotan dahil sa malamig na simoy ng hangin.
Ayon kina Alden at Maine, magsuot lang kayo ng naayon sa inyong taste at comfort. “Just be yourself,” payo ng Pambansang Bae, habang “kung ano ang kumportable” naman para sa Eat Bulaga darling na si Maine.
READ: Fashion magazine mogul Sari Yap adores how AlDub is oblivious to fame
Layered outfit naman ang bet ni Kapuso cutie na si Miguel Tanfelix, “’Pag nagdadamit ako, mahilig ako sa mga plain shirts na panloob tapos magandang jacket na pangpatong.”
Magkalapit lang ang gusto ng mag-love team. Share ni Bianca, “I like wearing sweaters and sneakers [tapos ang pang-ilalim ay] jeans or shorts. Chill lang.”
READ: Bianca Umali’s virla kilig message for Miguel Tanfelix
MORE ON CELEBRITY FASHION:
Dress like a queen: 20 OOTD’s of Marian Rivera
Celebrity OOTD Inspirations: 10 ways to you’re your white top