Maraming Encantadiks ang nag-diwang matapos ianunsyo ng Kapuso Network na muling mapapanood sa groundbreaking telefantasya series na Encantadia, si Alfred Vargas na orihinal na gumanap sa karakter ni Aquil.
READ: Netizens react to Alfred Vargas' return to 'Encantadia'
Sa panayam ni GMA showbiz reporter Lhar Santiago kay Alfred sa 24Oras, aminado ang actor-turned-congressman na napapa-throwback siya sa pagbabalik niya sa primetime series.
Aniya, “Na-nostalgic nga ako talagang wow grabe!... Parang kahapon lang ‘yung 2005 tapos andun uli ‘yung mga tao, tapos siyempre andun si Diana [Zubiri] tapos ang sarap, masarap ang feeling,”
Pinuri din ni Alfred ang gumaganap na Aquil ngayon na si Rocco Nacino sa mahusay nitong paggagnap at nagkuwento rin ito sa karakter niya na si Amarro.
“Parang napa-flatter ka pagka magaling at karapat-dapat ‘yung kumuha ng role mo.”
“Makikita nila kung ano ba para kay Amarro ‘yung mas importante, ‘yung pamilya o ‘yung loyalty di ba. O kaya ‘yung trabaho o ‘yung kaniyang anak na si Aquil.”
Todo-todo rin ang pagwo-workout ni Alfred para sa paghahanda niya sa Encantadia. Makkita sa Instagram post ng Encantadia star ang mga ginagawa niya sa gym.
Ani Alfred, “No rice ako, tapos nag-good bye na muna ako sa chocolate eh [may] sweet tooth pa naman ako, tapos gym ako ng gym.”
More on ENCANTADIA:
LOOK: Direk Mark Reyes's Christmas gift to the 'Encantadia' team is a must-have
LOOK: Meet Encantadia's Bathaluman Ether, Janice Hung
'WATCH: Clash ng mga bathaluman sa 'Encantadia,' pinag-usapan sa Twitterverse