
Isang intense 25-hour special forces training ang naranasan ng Alpha Team ng Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun na sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jon Lucas, Paul Salas, Lucho Ayala, at Prince Clemente sa Fort Magsaysay Military Reservation sa Nueva Ecija.
Hindi inatrasan ng cast ang iba't ibang pagsubok na hinanda para sa kanila ng Philippine Army tulad ng pagtulog sa tent, paggulong sa putikan, pagligo sa maputik na ilog, pagdaan sa mahihirap na obstacle course, at pagbuhat ng troso at exercise routines sa ilalim ng ulan.
Aminado naman si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na kailangan nilang i-immerse ang kanilang sarili sa intense military training.
“Actually ito talaga 'yung gusto namin,” aniya kay 24 Oras reporter Nelson Canlas.
“Gusto namin magampanan ng maayos and as accurately as possible 'yung role ng pagiging sundalo.
“And the only way to really portray them properly is to immerse and be with them kahit panandalian lang.
“Malaking bagay rin na maintindihan namin 'yung kanilang motivation kung bakit ginagawa nila ito.”
Ang pinagdaanan nila ay isa sa marami pa nilang training para maging mas katotohanan ang kanilang paggananap bilang miyembro ng militar.
Maaalalang kamakailan sumabak na rin sila sa ilang war fighting exercises tulad ng pag-rappel mula sa taas na 40 ft. at target shooting.
Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:
WATCH: Cast ng Philippine adaptation ng 'Descendants of the Sun,' sumabak na sa military training
Dingdong Dantes to play 'Big Boss' int he Filipino adaptation of K-drama 'Descendants of the Sun'