
Nagkaroon ng educational trip at fan meet ang Prima Donnas stars na sina Althea Ablan at Sofia Pablo sa Avilon Zoo sa Rodriguez, Rizal.
IN PHOTOS: 'Prima Donnas' stars Althea Ablan and Sofia Pablo meet their fans at Avilon Zoo
"Sobrang saya! Ang kukulit nila," saad ni Althea.
Dagdag ni Sofia, "Sobrang saya po and nananakot po sila kapag alam nilang takot ka doon sa certain animal."
Nagpasalamat din sina Althea at Sofia sa pagsuporta sa kanilang teleserye na Prima Donnas, kung saan gumaganap sila na triplets kasama si Jillian Ward.
Pag-amin ni Althea, sobrang opposite ng kanyang ugali sa kanyang karakter na si Donna Belle, ang palaban sa tatlo.
"Opposite ako kasi ako mahinhin lang ganyan," ani Althea.
Malapit naman sa kanyang sarili ang karakter ni Sofia na si Donna Lyn, ang bunso sa magkakapatid.
"Hindi po talaga mahilig makipag-away and talagang 'pag may nakikita akong nag-aaway, talagang nag-eeffort din po ako na pagbatiin sila katulad po ni Donny Lyn sa dalawa niyang kapatid," kuwento ni Sofia.
Abangan ang Prima Donnas araw-araw pagkatapos ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.