
Pumanaw na ang beteranong mang-aawit at ama ni Martin Nievera na si Bert Nievera sa edad na 81. Multi-organ failure ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Emosyonal at hindi makapaniwala si Martin na wala na ang kanyang ama. Ipinost pa niya sa Instagram ang kanilang throwback photo na may katagang, "You gave me life, you gave me dreams, you gave me a haircut. I will never forget you, Dad! I love you!"
Nag-post din sa Instagram ang dating asawa ni Martin na si Pops Fernandez. Itinuring niyang pangalawang ama ang kanyang dating father-in-law kaya lubos niyang ikinalungkot ang pagpanaw nito. Nagpasalamat siya sa magagandang alaalang iniwan nito at nagpaabot din ng pakikiramay sa Nievera family.
Emosyonal din ang pahayag ng panganay na anak nina Pops at Martin na si Robin. Ibinahagi pa niya sa Instagram ang larawan kung saan kasama niya ang kanyang ama at lolo sa entablado. Ika niya, "One of my favorite memories on a stage. I'll never forget this." Sa hiwalay na post, sinabi niyang mahal na mahal at mami-miss niya ang kanyang Lolo Bert.
Panoorin ang buong report ni Luane Dy sa Unang Balita: