
Naispatang naka-wheel chair ang 76-year-old actress na si Amalia Fuentes sa 75th birthday celebration ng kanyang kapatid na si Alexander Muhlach.
Ito raw ang first public appearance ng dating super star ng Philippine cinema mula nang pumanaw ang kanyang anak na si Liezel Martinez noong 2015 dahil sa sakit na cancer.
Unang kinumpirma ng anak ni Liezel na si Alfonso Martinez na nagka-stroke umano ang kanyang lola.
Ayon sa report ng Balitanghali, hindi nagpaunlak ng kahit anong panayam ang beteranang aktres.