
Pinatunayan ng American singer-songwriter na si Lauv na mahal niya ang mga Pilipino nang magsuot siya ng Barong Tagalog sa kanyang concert dito sa Pilipinas noong May 20.
Bukod sa pagsuot ng Barong Tagalog, ini-release rin ni Lauv ang kanyang dalawang bagong kanta na "Sad Forever" at "The Sims."
"I just feel like this is such a big moment for me, you know, being here and playing the show, being back here in the Philippines.
"So I thought it would be a great time to premiere it and shoot the whole thing and try to make a music video out of it," kuwento ni Lauv.
Ibinahagi rin ni Lauv ang kanyang mga pinagdaanan noong nagsisimula pa lang siya sa pagkanta.
Alamin ang kanyang istorya sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras: