
It's Paras vs. Paras vs. Paras!
Gaya ng kanilang Daddy Benjie, Kuya Andre at Kuya Kobe, mukhang future basketball stars din sina Sam at Riley Paras.
Magkakampi ang dalawang paslit sa isang basketball game laban sa kanilang nakatatandang kapatid na si Andre, na may taas na mahigit six feet.
Noong una ay hindi talaga sila pinagbibigyan ni Andre. Pero kalaunan ay lumambot din ang puso ng kanilang kuya.
Panoorin ang kanilang "game" dito:
Talagang mapagbiro at kid at heart talaga si Andre. Kasalukuyan siyang mapapanood bilang Wahid sa telefantasya hit na Encantadia. Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON ANDRE PARAS:
WATCH: Andre at Kobe Paras, nagmistulang mannequin sa bagong viral video challenge
IN PHOTOS: Ang second date nina Mikee Quintos at Andre Paras