
Nahilig sa sport na polo ang former Viva Hot Babes member at current Calatagan vice mayor na si Andrea del Rosario.
Impluwensiya daw ito ng kanyang kasintahan na si Anthony Garcia na isang professional polo player.
Taong 2016 nang makahiligan niya ang sport at ngayon ay nagko-compete pa. Kaya naman ang kanyang mga workouts ay preparasyon para sa kanyang mga polo games.
"Ever since I started to play polo with my boyfriend, ang talagang nagfo-focus ako is my core [and] my back because medyo 'yun 'yung part ng body mo na talagang sasakit when you play," paliwanag niya.
"Knowing my body, knowing 'yung body structure ng family ko—ma-tiyan kami eh—so talagang diyan, as much as possible 'yung mga workout for the tummy area," dagdag pa niya.
Panoorin ang feature sa kanya ng programang Pinoy MD: